People do everything just to earn some money. However, some believe that through the help of Feng Shui, everything will run smoothly not just in their lives but also in other aspects of their lives, especially in making a living.
Hanz Cua, a feng shui expert is the author of the book "Feng Shui 2017" disclosed what can be considered as "lucky" when it comes to money.
Here are some of the Cua's predictions that can be found in his book:
RAT (1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008)
“Kailangan mong magtipid ngayong 2017 dahil maaari kang magkaroon ng mga malalaking bayarin. Iwasan ang panghihiram ng pera, lalo na kung hindi mo ito maibabalik agad. Maaari kang magkaroon ng kaaway in terms of pera, at magkaroon ng mga court cases na may kinalaman sa pera.”
OX (1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)
“Magiging blessed kayo financially, ito ang taon para humanap ng sideline o magbukas ng sarili niyong negosyo at kumuha ng tagabantay. Magiging maswerte kayo sa inyong sideline. Humanap ng time na makapagpahinga pa rin, at huwag isagad ang sarili sa kakatrabaho.”
TIGER (1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)
“Marami ang magpapalibre at magpapabili sa inyo ng kung ano-ano, pag-aralang tumanggi at ‘wag masyadong maging generous pagdating sa pera ngayong taon. Kung may pinagkakakitaan kayo ngayong taon ay ‘wag maging kampante. Magtipid at magtabi ng pera dahil hindi mo alam kung kalian magkakaroon ng emergency.”
RABBIT (1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011)
“Super prone ka sa lawsuits ngayong taon. Mag-ingat at huwag makipag-away. Dahil clash kayo ng Rooster at bad luck ang taon na ito, huwag pumasok sa investments. Huwag magpalit ng trabaho. Stay low at huwag gumawa ng mga issue. Magsa-suffer ka ng financial loss ngayong taon. Maaaring mawalan ka ng malaking pera, kaya mag-ingat sa iyong mga desisyon.”
DRAGON (1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)
“Napakaswerte ng taon na ito, kaya i-grab niyo ang opportunity dahil once in 12 years lang ang opportunity na ito. Mag-invest na at gawin na ang lahat ng makakaya para magkapera. Tuparin na ang lahat ng gustong gawin.”
SNAKE (1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)
“Less opportunity para sa ‘yo ngayong 2017, magkakaroon ka ng mga financial losses. Ang perang iniipon mo ay maaari mong magalaw. Ang magagawa mo lang ngayong taon ay iwasan ang gastos. Pwede kang mag-invest ng pang-long term, pero ingatan na hindi ka maloko ng ibang tao in terms of money.”
HORSE (1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)
“Kahit na napakaswerte mo sa pera ngayong taon, kailangan pa ring mag-ingat sa mga manloloko. Huwag makampante. Kapag hindi nag-ingat, baka mawalan ka ng pera or manakawan ka.”
GOAT (1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015)
“Magtipid ngayong taon dahil magkakaroon ka ng malaking pagkakagastusan. Huwag bumili ng mga luho, at huwag mangutang. Kung mayroon kang utang sa ibang tao, please lang bayaran mo na dahil hindi maganda ang taon mo. Maaari kang kasuhan ng taong tinakbuhan mo. Kung ikaw naman ay walang utang, huwag ka na munang mangutang o magpautang.”
MONKEY (1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)
“Giginhawa ang iyong pakiramdam at makakahinga ka na pagdating sa kaperahan ngayong taon. Although hindi pa naman ganun kalaki ang iyong kikitain agad, siyempre naman kailangan mo pa rin ng hard work at maraming determination. Mas magandang mag-invest ngayong taon at huwag matakot na mag-risk ng iyong pera.”
ROOSTER (1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)
“Due to bad luck in wealth magiging limited lang ang perang pwede mong i-budget at gastusin ngayong taon. Kaya limitahan ang iyong paggastos, at mag-ingat na maloko sa mga binibili na gamit.”
DOG (1958, 1970, 1982, 1994, 2006)
“Ang effect ng Tai Sui ay mararamdaman mo na hindi magiging maganda ang iyong wealth at ang pagpasok ng pera sa iyo. Hindi magiging madali ang kumita ng pera, at minsan mamalasin ka at tatalikuran ka ng mga taong tinulungan mo. Pero dahil meron pa rin namang mga auspicious star na susuporta sa ‘yo ngayong taon, magiging okay pa rin ang lahat.”
PIG (1959, 1971, 1983, 1995, 2007)
“Maaaring nasa taas ka at bigla kang bumaba, hindi consistent ang pera mo. Maaaring bukas may pera ka, sa isang bukas wala na. Mauubos ang pera mo sa mga bayarin ngayong taon. Wala kang maitatabi at maiipon ngayong taon. Kaya kailangan mong mag-ingat at magtipid. Huwag mong sasagarin ang iyong pera sa wallet.”
Many Filipinos still believe in Feng Shui. It may be on love, career, health, and wealth. However, Feng Shui experts claim that they only serve as guidelines for people to have a better life.
Post a Comment