Read his full post below:
May mga taong binigay talaga si Lord na kayang baguhin ang buhay mo ng hindi mo inaasahan. Na meet ko si ayie last year, nagkakilala kami sa maling panahon. Nakilala nya ako bilang isang Ian na wala as in wala yung tipong walang siyang magiging magandang future sakin, hindi nag aaral hindi nagtratrabaho puro sarap buhay lang ang alam. Si ayie sya yung tipo ng babae na kapag nakasama mo kahit isang beses lang hindi mo makakalimutan kung papano siya ngumiti at yung mga jokes nya, napakamasayahin niyang tao at masarap kasama. Hanggang sa maging kami na. Siya ang dahilan kung bakit nakawala ako sa bisyo ko noon. Siya ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nagaral ulit. Lahat ng mga hindi maganda sa ugali ko sya ang nag pabago saakin, sabi nga nila kapag mahal mo talaga magbabago ka. Aaminin ko marami din akong naging pagkukulang skanya noon minsan nageexpect siya na magiging sobrang romantic ko skanya yung tipong every month meron syang surprises or idadate ko sya. hindi kasi kami nag cecelebrate ng monthsary. Pero higit pa sa mga romantic things na pwede kong gawin sakanya ay alam kong mas naipapakita ko sakanya ang pgmamahal ko sa mga serbisyo at simpleng bagay na ginagawa ko pra sakanya kapag magkasama kami. Hanggang dumating na yung panahong inuubo na siya every night halos 4weeks na siyang umuubo at nilalagnat every night. Nagpacheck up nakami at may signs na lumalala na yung sakit niya at ni refer na kami sa mga private hospital pero nag walang bahala lang sya hanggang sa tuwing lumalabas kami hinihimatay sya. Naconfine na siya sa manila med ng dalawang araw naging okay naman siya at nagtransfer kami sa auf doon namin nalaman ang sakit nya na lyphoma cancer at tubig sa heart and left lungs. Naging successful naman yung pericardial window nya sa heart at lungs pero hindi parin sya na chemo doon dahil masyadong mahal sa private hospital so nagdecide kami ilipat sya sa lung center of the Philippines hanggang sa malagyan sya ng panibagong tubo sa right lungs. Hanggat hindi natatanggal ang cancer nya hindi titigil ang pagpasok ng tubig sa heart and lungs nya. Nagpachemo na sya at ilalabas na sya sa hospital dahil delikado mag stay sa hosp ang chemo patient malaki yung possibility na mahawa sya sa sakit ng ibang patient. Paglabas namin ng hospital hindi na sya nakakalakad ng mag isa. Naalala ko pa noong tinulungan ko siyang maglakad naiyak pa siya sa tuwa. Sabi niya saakin: "sweetie nakapag lakad ako! 😊" Habang umiiyak siya sinasabi nya sakin ng paulit ulit yon. Simula noong lumabas sya sa hospital hindi na siya kumakain at ang tulog niya everyday nasa 2-3hrs lang. Everytime na may follow up check up sya binubuhat ko nalang sya papunta sa taxi. Kapag gusto nya mag palit ng pwesto sa higaan tatawagin nya ako at magpapabuhat. Nagrerequest siya ng pagkain minsan ako naman siyempre tuwang tuwa dahil naisip niyang kumain, kapag susubuan ko sya niluluwa nya lang ulit hindi nya daw malunok. Hanggang sa dumating yung huling gabi kaming nagkasama at napakapangit pa ng gabing yon para sakanya dahil pinagalitan ko sya kasi hindi kumakain at natutulog nasigawan ko pa sya 😭😭😭 sana niyakap ko nalang sya buong gabi at paulit ulit na sasabihin kung gaano konsya kamahal. hindi man lang sya nakapag paalam sakin hindi ko man lang sya nasabihan na mahal na mahal ko sya bago sya mawala 😭😭 Pero kahit ganon, gusto ko lang sabihin sakanya na na kahit anong mangyri hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sakanya, napakadami ko ding isinakripisyo at ginawa ko lahat para sakanya, alam ko na siya din ay lumaban ng husto para sa buhay niya, pero ngayon kailangan ng magpahinga ng sweetie ko at mas ayoko ng makita pa siyang nasasaktn, dahil higit sa lahat napakasakit na yung taong mahal mo ay nakikita mong nahihirapan. Mahal na mahal kita ayie, magkikita din tayo muli sa tamang panahon. Salamat sa pagpapabago mo sa buhay ko at hinding hindi kita makakalimutan.
Post a Comment